Ghost Ghost

My Button Collection

Psych Camp 2012: Day 1 (January 5, 2011)

CONFESSION:

(Inner thoughts about the camp. Wahahaha. Poker face masyado ih, pero eto mga nararamdaman ko)

12:00am. 

  • Hindi ako makatulog. Halu-halo ang mga bagay na nasa isip ko. Magiging masaya kaya ang camp? Natatakot ako sa Physical activities? Sino kaya ka-tent mates ko? Waaa. Di ako makatulog.

2:00am-4:30am.

  • Grabe, nagising na agad ako. Time to prepare na. Go online muna tapos kain, ligo, bihis, check ng gamit then gora na!

5:00am

  • Here na sa FAITH. Whew. Marami-rami na rin ang naandito. Medyo madilim kaya di ko makita ang mga taong naka-Red.

6:00am

  • Nakasakay na sa jeep. Daldalan time with Andrea, Kuya Ralp & Christel. OMG. Wait, tama ba itong nakikita ko? Si Hanz at Fidel naka-Red? Red team din sila? Wow. hihi.

8:00am

  • Here na sa Blu Roze. Assembly, so ka-team mate ko pala sina Micah, Frances, Karen, Bethzaida, Owen, Fidel, Hanz, Ate Genice, Ate Gee-Ann, Ate Yzel, Ate Jessica, Ate Krystel, Ate Kristin at yung mga classmates ko na sina Rechelle, Sarah, Gellie, Christine, Vallerie, Kuya Gerome at Andrea. Well, as usual Identity Crisis yung unang challenge…di naman masyadong dyahe dahil kami ang first team na nakahanap at nakapila. BAM! :)

.So ni-announce na yung rules saka yung tent arrangements. Tent 1 ako with Kuya Gem, Hanz & Fidel. KILL ME NOW. :) 

9:30am

  • Naggawa muna kami ng flag then nag-isip ng cheering. Okay sasayaw kami ng Kendeng-kendeng. Waaa. Napilitin naman ako kasi ayokong maging KJ grupo kaya nung oras ng cheering sayaw naman ako ih. Haays.

10:00am

  • Pinoy games. Whew. Ayoko neto ih, nakakapagod kasi. Pero dahil required makakuha ng 3 stickers from 3 games kailangan magsasali. Haays. So Kadang-kadang una kong nasalihan. Grabe, ang sakit sa paa. Sabi ni Ate Tin, our team leader, putulin ko na daw yung tali habang naglalaro ako para ma-default na yung game…okay naman yung laro ko, di mabagal, di mabilis..sapat lang..pero pinipilit ko padin sirain…halfway na ko pero pinatigil na yung laban, nasira yung sa Green Team. Okay. Sayang lang yung sakit sa paa. 

11:00am

  • Next game na involve ako ay ang Pabitin. Grabe lungs. Naabot ko naman siya pero nung huli medyo tumabingi so nihila ko lahat. HAHA. Nasira yung pabitin tapos ayun, lahat kami hanap-hanap na…hehe :DD
  • Medyo na-guilty pa ko kasi na-delay ng konti kasi nasira ko nga. Waaa. Then after nung game ayun, LUNCH na :D

12:00nn

  • LUNCH with Eunice, Andrea, Christel, Vallerie, Jane & Katee. Ulam ko ay Chicken Nuggets, pinag-ambagan pa namin nina Eunice at Andrea, hehe. Tapos si Eunice ang nagluto. Then nag-share din sa Val ng Chicken Adobo. My favorite!! :)
  • Well, ayos naman.masarap. Hehe. Then nag-drop by ng konti si Ma’am Edna at umalis din para maglibot. She likes the place :)

1:00pm

  •  Talk with Ma’am Edna.  It’s all about the Law of Attraction, maiksi lang yet napaka-interactive kasi nirequire kami magisip ng dream namin. Tapos nag-share din siya ng stories :3

1:30pm

  • Resume ng game. Dahil hindi natuloy yung sa kadang-kadang..ayun, ibang game na lang yung sasalihan nung nakatalang players. Waa. Mary goes to market ata yun? Di ko alam yung game pero parang magsusuot ata ng tsinelas na magkadikit tapos kukunin yung basket at maglalagay ng sumbrero tapos babalik na. Waa. Ayoko neto. Ang bagal ko pa naman. Buti na lang umulan, na-postpone yung game. Hihi.

2:00pm

  • Pinoy Henyo. Require na tig-4 pairs bawat team so ang aming players ay sina: Ate Tin-Fidel, Krystel-Jessica, Me-Andrea, Frances-Micah. :)
  • Half-way nung game, pinatigil na.. 2 paris na lang daw, sayang kami na sana ni Andrea ang sunod eh nagpractice pa naman kami. Tss.

3:00pm 

  • Human Sequence. No choice kasi na postpone din yung Mary goes to town kaya kasali ulit ako. Well, nung una may nakalatag na numbers then pupuwesto lamang kami don. Eto ang samin:
  1. Hanz
  2. Fidel
  3. Rechelle
  4. Christine
  5. Gee-Ann
  6. Genice
  7. Yzel
  8. Me
  9. Val
  10. Sarah
  • Ang mechanics ng game ay kailangan namin pumunta sa number depende sa sequence na pagkakasabi ng host. Example number 8 ako, then ang sabi: 5,4,3,2,1,10,9,8,7,6. So dahil 8th yung sequence ko sa 8 ulit ako. Yun lang so, medyo mahirap kasi bawal lumagpas yung paa sa typewriting eh ang laki ng paa ko. Shocks lang. Trials pa lang hirap na kami.
  • Then yun, nung nagsimula, sa number 2 ko kailangan pumunta. Then halfway may natapos na team na. I was like ” Tatapusin na ba ‘to? Sayang di pa ko nakakarating sa number 2, chance na sana eh!!!” Pero di pala…so yun nakarating naman ako, nagkahawakan kami. Wahahaha. Medyo kinilig naman ako dun kasi ang daming may gusto dun pero ako na-experience ko.hihi NICE GAME. 

4:00pm

  • Ni-announce na yung Mr. and Ms. FAIPS. Ang theme ay Grand Make Over. Bale parang all-around make over meaning parang gagawa ka na rin ng alter-ego mo. Nung una medyo natakot ako kasi baka piliin ako kasi I’m known na mahinhin, seryoso, queer at di naman nagkamali kutob ko…pinili nga ako. Ka-partner ko si Ate Gee-Ann at sina Fidel,Hanz at Kuya Gem mag-aayos sakin. Then things started to get nakakahiya na kasi etong si Hanz, ni-suggest niya na parang Tribal daw gawing theme, I was like “Whaaat? Di ko kaya ipakita katawan ko T_T”. So sinabi ko na lang na ayaw ko then mega switch naman agad sila, basta ang sabi ni Ate Tin sila mag-make over sakin. hihi.
  • Then nag-practice kami ng magiging talent namin. Naisipan na lang namin maggawa ng skit. Bale etong sina Hanz nakaisip ng situation. Cliche thing lang din naman, may nagiinuman tapos mapapadaan si Ate Gee-Ann then to the rescue lang ako then si Andrea entrance sa huli as the thirdparty. Then yun na. Kaya lang may actions scenes din. Naku, di ako marunong makipagsuntukan. Pano na ito? Waaaaa.

6:00pm

  • Grabe, ang tagal magluto ng dinner. HAHA. Kanina pa kami nagluluto sobrang tagal. Mega gala muna kami nina Andrea at Sarah para bumili sa tindahan ng Iced Tea. On the way sa ihawan station namin pinractice ko yung paglalakad ng lalaki and SWEAR, di ko talaga kaya..muka kong TANGA. Kitang-kita ko sa anino ko ih. Waaa. HELP.

7:00pm

  • Medyo matamlay ako. Kinakabahan na kasi ako TODAMAX. As in. Hindi ko alam gagawin ko, parang magmuka kong tanga pag rumampa na. huhuhu. At nagugutom na rin ako kaya kinain ko na lang yung Gardenia Chocolate Bun ko, hehe…with Iced Tea as my drink then yung Chocolate Roll pinamigay ko na lang. :)


7:45pm

  • Akala ko naman hindi na maluluto yung Isda, sa wakas naluto rin..pero sa dahil matamlay na nga ako sa sobrang kaba pinaubaya ko na lang sa kanila yung food. Nalipasan na rin naman ako eh. hehe.

8:30pm

  • Eto na pageant na. Binigay na sakin ni Hanz yung susuot kong Jersey, and grabe lang, hindi naman ako nagsusuot ng ganon. Huhu. Nisabi ko na lang sa kanya kung pwede mag-shirt sa loob, yun lang daw para astig. GOSH. Dark pa naman kili-kili ko, ayaw ko i-reveal. Kalerks. Speaking of Kalerki, nung pumasok na kami nina Hanz, Fidel at Kuya Gem sa tent…akalain bang doon ako pinagbibihis? Sa harap nila.!! CONSERVATIVE pa naman akong tao kasi conscious din ako sa itsura ko dahil ayaw ko itong makita ng iba sabi ko. “Dito?” Sabi naman ni Hanz,“Oo kasi pag sa banyo makikita ka nila, wala nang surprise”. Sabi ko, “Eh pano yan eh naandito kayo?”. Hanz,“Ayaw mo bang may kasama? Sige lalabas na lang kami”. YES!  Sabi ko na lang, “Oo eh, wag niyo bubuksan yung tent ah…pabantay”. Then yun BIHIS na ko. WAHAHAHA.
  • Pinapasok ko sila then sinabi kong parang masakip sabi naman nila okay na daw yun. Then iyun na, magic starts to  happen. Grabe, hindi ko kinikeri sumusunod na pangyayari. Akalain mong si Fidel na crush ng bayan ay inaayusan lamang ako ng buhok? In fairness, kinilig ako ng slight dun…pano ba naman kasi, masyado siyang close sakin at very focus pa, ramdam ko nga yung paghinga niya eh. hihi. Siya rin naglalagay ng mga bigote and everythings sa muka ko. WAAAAH. Palipat-lipat siya tapos naglagay din siya ng anchor na tattoo sa right arm ko. Then si Hanz naman flaming basketball sa left then si Hanz nag-polbo sakin. Hindi pa naman ako nagpopolbo. I felt so pampered tuloy, dulot nila lahat eh. Tapos si Kuya Gem yung palabas-labas ng tent para humiram ng ganito-ganyan. Then nung natapos na ang lahat, tinakluban nila ko ng jacket at inakbayan ako ni Hanz papaalis ng camp site pero dahil naiwan niya yung bola na gagamitin ko as props, pinabantayan niya ko kay Fidel. Akalain mo, tinanggal niya pa yung relo sa left arm ko, hihi. Ang swerte ko naman, di bale ng mapahiya at matalo at least hindi pa nagsisimula may pa-advance na premyo na agad. CHOS. HAHA. Then nung nakabalik na si Hanz, akbay ulit siya, normally tinatanggal ko mga humahawak sakin pero siya hinayaan ko na lang, heller! Nakataklob face ko, di ko alam daan! Pero Dear Lord, maraming salamat dahil kahit alam kong mapapahiya ako mamaya naandito naman sila na laging nagpapalakas ng aking loob. Effective supporter sila…at ang buong RED TEAM siyempre. :)

9:00pm

  • Start na ng pageant. Whew. Kinakabahan ako TODAMAX. So nung una ni-explain muna samin ni Kuya Nicole at Ate Roan mga dapat gagawin, yung mga positioning and everything pero dahil SOBRANG kabado na ako, hindi ko na masyado ma-absorb lahat ng mga pinagsasabi nila. Then yun, si Ate Gee-Ann ang nauna, kasi nga ladies first tapos RED team first ayon sa bunutan and nung nakabalik siya…akala ko ako na…At dahil nakataklob din ako ng jacket di ako aware sa paligid so dire-diretso na ko. First, tumalikod na ko then tinanggal ko na yung jacket ko. Whew. Eto na then harap. Na-surprise naman silang lahat at AKO RIN. Grabe, hindi ko pa pala queue. Kainis, GIRLS pala muna dapat, and narampa na ang girls ng Green Team na si Ana…siyempre nag-dirediretso na lang ako. Inangat ko balikat ko at nilabas ang dibdib ko…kitang-kita ko sa dulo si Kuya Gem, niko-coach niya ko kung anong paglakad ang dapat kong gawin. Sa awa ng diyos natapos din….at dahil nagulo ko ang sequence iniba nalang din ni Ate Roan, pinauna na niya yung Green Boy na si Brent, as I roll my eyes sa likod nagugulat ko sa mga kalaban ko. Di ko ni-expect na si Cj pala sa Yellow team, from simple to daring ang peg niya…ganun din si Ate Pat. GOSH lang. Ang strong ng competitors namin. Lalo tuloy akong kinabahan. Then sa Violet Team andun sina Ate Kate at Kuya Marveen. Sa Blue Team naman ay sina Jorenz at Zurin. Nang matapos na ang lahat, eto na talent portion na.

9:30pm

  • Talent Portion. Bale ang aming talent portion ay all about sa isang babae (Ate Gee-Ann) na may ka-eyeball…sa kamalasang pangyayari ay may tatlong kalalakihan (Hanz,Fidel,Kuya Gem) na nag-iinom sa kalye so hayun, binastos siya…to the rescue naman ang peg ko. Bale nung eksena na, napasigaw na lang ako, “Hoy! Babae yan ah!!” (GOSH. On the spot lang ang script eh, ang bobo lang nung sinabi ko). Then sinabi ni Hanz, “Bakit? May problema?” Then parang lumapit na siya na parang nahahamon. JUSKO. Wala akong nasabi basta ko na lang tinulak!! WAHAHA XD Tanga lang. Then si Kuya Gem parang binali ko yung braso then tulak. Then si Fidel pa pala, sabi niya, i-tilt ko daw yung head niya nung nag-practice kami…eh hindi ko naman alam kung pano, nadala na lang ako kaya natulak ko siya. Then yun na, umalis na silang tatlo, then si Andrea naman, umentra na. Bet na bet ko lang yung pagkakasabi ko ng “I never said that I love you” Sa lahat ng ginawa ko yun lang pinakagusto ko. LOL.
  • Then nung natapos na exit na kami ni Ate, at nag-sorry ako kay Fidel dahil napalakas yung tulak ko. Tss. Ewan, sobrang nagi-guilty ako. Di ko naman intensyon yun ih. Aba’y kung itutulak ko lang naman siya edi papalapit na sa akin hindi palayo! CHOS! 

10:15pm

  • Q&A na. GOSH. Ngayon na din pala ‘to. So dun sa Q&A, kami yung unang tinanong. Tss. Tester na naman. So si Ate Gee-Ann muna, havey naman yung sagot niya. Tapos sakin ang natanong eh parang kung paano raw magagamit yung social media para magbigay ng mga adbokasiya. Sounds simple, pero nagka-long pause ako habang sumasagot. I was like, “Maraming salamat sa iyong katanungan, ang social media ay……………………………………………..” SHOCKS. Nasa isip ko, anong tagalog ng comprising? Gusto ko lang namang sabihin ay yung Social Media nagko-comprise ng whole global community. Di ko mahanap yung right tagalog term. Jusko. Basta ang essence nung sinabi ko after the long pause ay na dapat kung gagamit man tayo ng social media as the medium for advocacy dapat maging responsable tayo sa mga pinopost natin para sa atin pa lang makita nila na seryoso tayo sa mga pinaglalaban natin. Haaay. After the Q&A, isang rampa lang then tapos na! Ni-congratulate naman ako ng teammate ko kasi kahit papaano eh nagawa ko naman ng maayos ang portrayal ko sa alter-ego ko.  Nakaka-flatter lang. :)

11:00pm 

  • Here na sa labas ng tent. Nakikinig sa usapan ng mga boys. Grabe lang. Medyo bastos yung iba, pero keri lang..sanay na naman ako saka PSYCH nga eh, dapat mulat sa mga ganitong bagay so tumitingin na lang ako sa langit. Bakit nga ba ayaw ko pang matulog at nakaupo lang ako sa labas ng tent namin eh antok na antok na naman ako? HAHA. Pano naman kasi, etong si Fidel, humiga agad dun sa dulo, same sa pwesto ko last year..dun ko prefer eh. Eto namang si Hanz nasa kabilang dulo naman. JUSKO. Parang di ko kakayanin mamili kung san sa gitna ako pupwesto, sa side ni Fidel? O sa side ni Hanz? Ge na nga, antayin ko na lang si Kuya Gem para kung san matitira dun na ko. 
  • Pero di pa siya nakararating tinanong na ko ni Hanz kung bakit ayaw ko pa daw matulog. Sabi ko naman eh gusto ko sa dulo. Sabi niya, “Eto naman oh, hindi nagsasabi o sige dito ka na lang dun ako sa tabi ni Fidel” So yun. Ang bait naman niya :3. Nang dumating si Kuya Gem, sa side ko siya so ang pwesto namin ay ME->Kuya Gem->Hanz->Fidel. At dahil wala akong kumot, ni-share na lang ni Kuya Gem yung kanya. Buti na lang mababait ka-tentmates ko :) I’m so lucky. Okay SLEEP time na :3

Button Theme